Tuesday, March 25, 2008

wala ka na sa mundo ko

muli, magkakahiwalay na naman tayo ng landas. walang pag-uusap at hindi magkikibuan. napatunayan ko sa sarili ko na kaya ko mamuhay ng wala ka. malungkot nga lang. sa pagkakataong ito, hindi na parehong lungkot ang mararamdaman ko. hindi na ako manghihinayang dahil hindi ko naman kawalan. ano ba ang nawala sa akin? napasaakin ka nga ba talaga? hindi naman. pinaasa mo lang ako at pinaasa ko lang din sarili ko. sa mga oras na inaksaya ko sayo, nalaman ko na wala ka na sa mundong ginagalawan ko. nilibing na kita sa mga alaala ko. ang kinakatakot ko lang ay baka magparamdam ka muli. hindi pa ngayon ang tamang panahon. kung magiging ok ulit tayo. wala akong panahon sa maramot na katulad mo.

No comments: